Silent Truths 6

Ito na ang huli sapagkat dito na natatapos ang kahibangang inukit ko sa isip na maski'y sa panaginip ay patuloy na sumisingit. Tinatapos ko na, ang bawat sandali at oras na inilaan para sa pagsintang hindi kailanman maipararamdam. Ikukubli ko sa dilim at ibabaon na sa nakalipas ang bawat pagtinging hindi kailanman mabibigyan ng pansin. Ito na ang dulo at kahit paulit ulit at isigaw ko man na ito na ang dulo, hindi ito makakarating sayo sapagkat wala namang ikaw, sa mundo kong nilagyan ko ng tayo.


Comments

Popular posts from this blog

Unbecoming

Silent Truths 3